Sabado, Agosto 2, 2008

Kalinisan

Ang Pilipino ay malinis.

Ako dalawang beses sa isang araw kung maligo.
Isa sa umaga at isa sa gabi.
Dala na rin siguro nang pagiisip na ang mga dust particles ay kumakapit sa balat kasabay ng amoy ng pawis at sikat ng araw.

Ang sum nito ay amoy araw.

'Ndi ko rin talaga alam kung bakit mern amoy araw.

Nasabihan nako ng kapitbahay namin dati- nung nagpalagay ako ng bimpo sa likod dahil busy
si yaya doing her thangs -na amoy araw daw ako.

Mula noon ay inisip ko na kung bakit alam niya kung anu ang amoy ng araw.

Baka nakadating na siya dun.
Tapos hindi siguro siya artista o politiko para ma dyaryo.

Hindi ko rin alam kung ako talaga yung amoy araw o di kaya dahil nasa arawan kami kaya niya naamoy.

Pero inamoy ko naman ang kili kili ko- hmmm datu puti amoy maasim.
...ang ulo ko. hmmm amoy shampoo na panis.
ang tshirt ko. amoy tshirt pa rin.

'di kaya pag ang mga amoy na 'to ay pinaghalo halo lalabas ang ....amoy ng araw!!!

tama na sa usapang amoy araw.

Malinis.. malinis ang Pilipino.

Ang dating kayumanggi ngayon ay malaporcelana ang kutis.

Salamat sa ligo? kaunting porsyento lamang siguro
wala pa naman ako nabalitaang namuti at naglaho sa kakaligo.

Salamat sa doctor? sa dinami dami ng mga medically aided whitening procedures baka muscle na lng ang natitira sa katawan nang pagpapalinis sa doctor.

Salamat sa Met? Gluta? at kung anu anu pang hormones o gamot na kinapsula.
Puti ngayon dedo bukas.

Bakit nga ba kasi mas maganda ang maputi?
Kasi white is perfect. White is clean..

Ang black din naman a!

Lahat ng puti maganda- nailalagay sa pedestal.

Inuuna sa restawrant.
may personal space sa jeep.
'ndi sinasampayan ng bag sa mrt at
binabati ng guard.
At pag mejo seksi o mas malaki sa katawan kesa sa guard
kahit granada pa hawak mo e patutuluyin ka with matching
Good Morning maam/Sir welcome to...

Salamat at maputi ako kahit papano.

Kalahati ng pribelehiyo meron ako.
Walang tumatabi sa harap ng jeep pag dun ako nakaupo.
Tried and tested na yan tsong!

Wala sigurong araw sa bahay namin.

Pero anu nga ba talaga ang kulay ng mga Pilipino.

Kayamunggi sabi sa Araling Panlipunan.

Ang Pilipino ay kasapi sa brown race.

Ang pagiging malinis ay naipasa sa atin ng mga ninuno.
Ka-text ko yung akin kahapon. Mejo weird parang 'nde taga dito.

Mahilig daw tayo maligo sa dagat, sa ilog,... sa pawis, sa batis- sabay laba- sabay luto..
yan ang kagandahan sa Pilipinas surrounded ng bodies of Water.
Maraming free beach!!

To out right Pacific Ocean and to our left China sea or north na ba yun-- basta archipelago nga-- parang french fries na niluto sa bahay.. ayaw i deep fry dahil sayang sa mantika..

Mahilig tayo sa shower.
konting pawis-- shower
Pagkatapos jumebs- shower
Minsan nga kagagaling ko lng sa shower- shower uli
Di na banlawang mabuti..

Sa pinoy na bahay ang shower ay binubuo lamang ng dalawang kagamitan
-pail and dipper- tabo at balde.
---
Meron nga ako nabasa na nagsasabing very clean daw tayong mga Pilipino.

Mga banyagang dumating sa Pilipinas nuong sinaunang panahon at natagpuan ang mga tribong kung saan para daw hinalikan ng araw ang kanilang mga balat at sila daw ay sa surpresa na 'ndi tulad ng mga karatig nating bansa ang amoy natin.

Siguro napadaan sila sa India?..

Pero hangang san nga ba malinis ang Pinoy.

Sa bahay pede pero nagdududa ako..

Sigurado ako sa bus 'nde. (infested ito nang mga hayop na bumubuo ng sariling ecosystem)

Mahilig lang talaga tayo magalaga ng ipis.

Sa bahay,
sa opisina,
sa simbahan,
sa mall
sa sinehan.
Kahit sa ref.
Sa freezer lang 'inde.

Malinis lang tayo sa sarili.

Gusto nating maging presentable. (definition: Mukha at amoy mayaman.)
pero sa katotohanan ay mahirap ang bansa. Minsan lang ok.

Pero panay pa 'din ang pagbisita natin sa mga banyagang establishamento.

Nakahit ang presyo nito ay doble ng sapat na presyo ay papatusin natin.

Sa kadahilanang
- wala lang.
- can afford
-mas masarap
-siguradong malinis
-quality
-sosyal

Pero wag sana nating kalimutan na ang mga kamay sa pagpapatakbo ng industryiang banyaga
ay kamay din ng kapwa nating Pilipino.

- ang mga ito ay marunong gumamit ng pail and dipper.

Mas economical pa rin ito sa bidet.

Pursigido tayong maglinis ng ating sariling katawan. bakuran
bahay. table sa office. sa eskwela . sa kainan. sa loob ng mrt. sa jeep. sa lahat ng lugar na pinupuntahan natin.

Para bagang gusto natin na lahat ng ating nilalakaran ay sparkling clean. Masayang idea.

'Ndi naman impossible.

"ndi lang sa pagligo pedeng maging malinis.

Punas lng pwede na.

Walang komento: