
Madalas marinig yan sa mga labi ng pinoy.
Epal- eh-pal
salitang nagsasalarawan sa isang taong- epal.
O sa madaling salita ay pakelamero x 10.
Ang epal ay isang klaseng nilalang na 'ndi pa lubusang napagaaralan.
Pipilitin kong isalarawan ang isang Epal.
----
Mga Katangian ng isang taong Epal.
Mahilig sumbat sa usapan ng iba.
Karaniwang me hitsura lamang para sa mga epal.(malamang ay genetic 'to)
O nasobrahan sa nutribun-nutriplex-yakult at tiki-tiki.
'Ndi pa sapat ang pananaliksik sa epektong mangmatagalan ng cherifer.
Kaya wala pang sapat ng ebidensiya na nagdudulot ito ng kaepalan.
Sila ay numumukod tangi.
'Ndi maaring magsama ang mga epal sa isang barkada.
Kadalasan ay isang miyembro lang ng barkada ang epal.
Kadalasan pa ay 'ndi siya kabilang sa tunay na barkada.
Nawalan lang ito ng kasama sa lunch kaya ayun sumama na lang sa pinakamabait na barkada.
Ang mga taong epal ay kadalasan nababalot sa pagtingin sa kanyang sarili bilang isang taong cool.
Ang mga hirit nito ay di napapanahon.
At siya lang ang natatawa.
Ang mga nagpapanggap na kaibigan ay pilit na ngumingisi sa hirit ng isang epal.
Sign lang ito ng respect.
At di huwarang pagtangi sa nasabing tao.
Ang salitang epal ay kadalasang naggamit pag
a.'Nde na kayang depensehan ang sarili sa mga hirit na galing sa taong epal.
b. Gusto lang matapos ang usapan
c. Naisip na sabihin para cool din
d. Nagkamali at ibig bigkasin ang salitang tumutukoy sa dumi na matatagpuan sa ari ng lalaking ndi pa tuli.
'Ndi din lubusang naapektohan ang taong epal.
Kung tawaging kang tao ng isa tao, masasaktan ka ba?
'Yan din ang pagiisip ng isang epal na nagpapangap na tao.
--
Ang wastong paggamit ng salitang epal.
Tiyakin na tapos ng magsalita ang epal sa pagsabat nito sa usapan.
Pakinggang mabuti ang nilalaman ng pangungusap nito.
Kung ang sinabi nito ay may kinalaman sa pinaguusapan.
huwag bangitin ang salitang epal.
Mali ito.
Kung wala sa mundo ang pangungusap nito at tiyak na 'nde ito maiintindihan ng siensya at relihiyon.
Malamang ito ay pangungusap na ng isang epal.
Marahang huminga at isipin paulit-ulit ang pangungusap.
Pag ito ay 'nde maintindihan.
Bigkasin ang salitang Epal.
samahan ito ng pantukoy tulad "ka" - "Epal ka"
o dobol negatib tulad ng "Wag kang Epal"
O kaya samahan ito ng pagtatakaupang 'ndi 'to masaktan... " Ay Epal"at maari mo pa siyang pakinabangansa ibang pagkakataon.
Ang tuluyong pagtaboy sa isang epal ay ginagamitanng mas madamdaming pangungusap tulad ng:
"Taena Wag ka ngang Epal"
"Puta epal ka na naman"
Ito ay maari pang samahan ng invisible wall sa pamamagitan ng pagakto nito
"Sinong kausap mo- hanggang dito lang ang usapan (motion invisible wall.)
O kaya hayagang pag tangge sa naririnig na boses.
"Me naririnig ka ba?"
Huwag isipin na masama kang tao sa pagtaboyng isang taong epal.
Ito ay sanay na sa ganitong mga sitwasyon.
Panahon lang magsisi ka kapag ito ay lumala at nagamok o di kaya'y piniling kitilin ang sariling buhay.
Kung sakaling ito ay magamok.
Wala nang paraan pero ibalik ito sa dati.
Tulad ito ng pokemon na 'ndi na maaring bumalik sa dating anyo matapos itong mag evolve.
Mga dapat gawin.
Hanapin ang pinakamalapet na labasan.
At marahang maglakad patungo dito.
O di kaya magtago sa ilalim ng mesa o sa gitna ngdoor brace.
Iwasan din ang pagtitig sa nagaamok na epal.
Maaring maipasa ang ibang abilidad ng epal sa pagtitig dito.
Kunga ikaw ay napatitig at tiyak kang nasaniban kana ng kaeplan.
I research ang methods ng HARAKIRI.
Sundan ito to the letter.
Maari din i research ng nagbabasa ang nasabing kung ikaw ay apektado sa mga nabangit na sitwasyon...
Ikaw ay isang Epal.
'Ndi to kasalanan.
Ito ay sakit naipapasa.
Huwag magalala at baka swertehin ka naman sa susunod na buhay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento