Linggo, Oktubre 26, 2008

Failed Attempt 01




Twenty years from now you will be more disappointed by the things that you didn't do than by the ones you did do. So throw off the bowlines. Sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover.
- Mark Twain


Naks..


napulot ko yan sa isang web page na gawa ni Klaudia Koronel.. or so i think..

Parang me katwiran naman siya dito.
Pero ndi ata to ang katangian ng mga pinoy.
Meron mapang ahas ng mga taong kayang gawin to.
Ako paminsan lang siguro.
Mahirap na,takot ako sa lumangoy sa itim na dagat.
Naalala ko pa yung mga panahon na inis na inis ako sa erpats ko.
Napagalitan ako.
'Di ko lang maalala kung baket.
Mashadong madaming pagpipiliang pedeng maging dahilan.
May pagka suwail din ciguro ako nung kabataan ko.
Kaya ang aking paraan ng pagganti...

Binalak kong maglayas.

'di ko pa alam ang concepto ng pera, kung pano magbayad ng kuryente,maglaba- mag luto.

Ang alam ko lang nun ay kaya kong mabuhay ng mag isa.

Kaya kinuha ko ang lata ng sustagen na naglalaman ng pinakamahalagang bagaysa aking buhay.
Mga buidling blocks.

Itinaas ko ang pajama ko ng isang pulgada.(di uso sakin ang shorts nun.)
Binuksan ko ang pinto,bumaba ng 2 hakbang at nagmamadali akong maglakad palayo.
Nakita ko ang kalsada.
Shocking!

Di ko alam kung saan ako pupunta.
Pakaliwa ba o pakanan..
at dahil kanan ako- sa kanan na ko naglakad.
Madali pa nun kung panu malaman ang gusto mong gawen.
'di pa ko gano nakakalayo ay narinig ko na ang 'di ko inaasahang
mangyayari sa panahon na to na ready na kong mamuhay ng magisa.
Ang dagundong ng aking tyian.
Sabi ko sa sarili ko.
'wag kang padala sa angal ng tian mo!!.kaya mo to!!.
Naalala ko na walang tenga ang tian ko..
Lumiko ako sa kanan uli
Nagulat ako sa kahabaan ng kalsada.
Mabilis lng lakad ko.

Dobol check kung samsayad ang laylayan ng pj's ko sa lapag.Hindi naman.. tamang tama ang pag angat ko.
Wow i can smell "independence"!
lumiko ako uli nang wala na kong makitang pedeng daanan.
Nakita ko ang mga yaya ng ibang batang nakatitig sakin.

Siguro ingit lang sila sa maangas na batang naglalakad magisa.

Tuloy lang ang lakad ko..Ineenjoy ko din ang mga di pamiliar na bagay sa aking paningin.

An lupet ng world!

Daming pedeng makita.
'Di ko ramdam ang pagod-
'Di pa ko pawisin siguro ng panahon na yun.

Weeeeeehaw! Sweet freedom!


Ngunit eto na nanaman siya.
Mas malakas, mas matindi.
Ang dagundong ng aking tiyan.

!nako! gutom na ko! san ako kukuha ng pagkain?

Kung di kinain ni eba yung mansanas na yun..
Nagkalat siguro ang mga fruit bearing trees ..everywhere.
pero wala.

---santan sampaguita at kung anu anu pang halaman ang nakikita ko.

Walang pamiliar kainin!.
owkey.stay calm.bilisan mo na lang ang lakad mo.

Yan ang mga sinasabi ko sa sarili ko.
Nakalimutan kong geographically challenged ako.

Nilakad ko lang ang paikot na daan samen.

Nakita ko ang bahay ko.
Sigurado me pagkain dun.
Bukas pa rin ang pinto.
Di pa ako marunong magsara.
Pumasok ako at umupo sa sala.
Walang tao.
Naglalaba si yaya.si erpats tulog sa taas.
Parang 15 mins lang ata ako nawala.
Wala pang nakapansin.
Mahirap kase pagtatanga ka.
6 yrs old lang ako nito.
'Di pa rin alam ng erpats ko na naglayas nako dati.

Failed Attempt 01 ito sa libro ko.

Binuksan ko ang ref.
walasticK!

me cake!

lamon.

Di na masama ang loob ko.
Saka na ako maglalayas.
Madami pa siguro kelangan matutunan.
Lalayas din ako.


Pag di na ko shushunga shunga sa buhay.
(parang di na mangyayari yun a..)

Walang komento: