Lunes, Marso 2, 2009

Limang Buwan



5 buwan na ang lumipas nang huli akong sumulat sa blog nato.
Busy.
Busy ako sa pagiisip kung anu nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko.
Busy ako sa pagtutuwid ng mga maling nangyari sa akin ng mga huling buwan.

(bumagsak kasi ako sa board exum.)
Naramadaman ko na bobo pa la ako kung minsan.
Ngayon lang naisulat sa papel ang ganung kaisipan.
Mahirap pala.
Parang walang direkshon sa buhay.
Tas madami kang matatangap na mga text.
Para ka ding namatayan.
Lahat tungkol sa mga plano ng Dios sa buhay mo.
Na isa laman pagsubok ang dinadaanan mo.
Kaya mong lagpasan.
Nde mo pa panahon..
Amp. andaming rason para lang masabi na huwag ang malungkot.
Tama naman sila.
Ayaw ko lang makinig.
Pang asar lang.

5 buwan yung lumipas.

Pumasa nako ngayon.
Natuwa naman ako.
Pati nga kamag anak na minsan ko lang makausap natuwa din.
Hurraay!
Di pa la ako bobo.
Minsan lang.
Dami palang nangyayari sa loob ng 5 buwan.
Andami kong kwento.
an daming maliit at malalking bagay na pedeng mangyari sayo sa loob lamang ng kaunting panahon.
An dami ko na ding napuntahan.
Minsan may kasama.
Minsan mag isa.
Dumami din ang mga katangahan na nagyari sakin at sa ibang tao.
An dami palang kwento na pedeng ibahagi ko sa ibang tao.
Madaming masasayang pagkakataon na pinalipas at lumipas.
Sana di nako tamarin sa buhay.

Masaya kasi minsan e.

Sana di rin tamarin ang buhay sakin.
Madami pa kong pedeng gaguhin e.

----------
Pinakamasarap na nangyari sakin ng 5 buwan na to.

Mamuhay ng magisa.
Successfull na ko dito.

Kung hangang kailan. Di ko alam.

Masaya.

Kain ka lng kung kelan mo gusto.
Gutom din ang abot mo pag tinamad kang kumilos.
Nagkabet nako ng door know.
Whatafeeling!

mga 3-4 hours ko ginawa pero sulit.

Nagbuhat din nga pala ko ng kuchon.
Ndi madaling gawin yon!

Tinulungan naman ako nung manong e.

Inaakyat ko yun ng magisa hanggang fourth floor!

Changina. Workout ko na yun for the year.

Saya.

Dati ko pang naisip na masubukan mamuhay ng magisa e.

Sabi mahirap daw.
Babalik din daw ako.
Pero ngayon.
Ok naman.


Ndi nga pumasok kagad sa isip ko na independent nako e.

Parang normal lang.
O kaya delayed lang ..as usual.
Namimiss ko lang yun bebe ko.
Bawal kasi mag alaga dito.

Binigyan naman ako ng panda e.
ok na yun.
----
Ngayon na natitikman ko na ng sarap ng mamuhay mag isa.
kwento ko naman yung mga bagay na sa Pilipinas mo lang makikita..
Tapsihan-- ol time favorite and only kainan.

Tapa sinangag itlog. madaming variety nian. longanisa tocino chicken daeng..

Burger Machine- ol time favorite merienda.

Sari Sari store. una dawla pangatlong bahay mern nun. Di mawawala yan.

Tambay- di mashado favorite pero nagkalat yan dito.

Water Station. ikalawa- ikaapat- ikaanim na bahay pede din maging water station ( minsan ka combo yan ng sari sari store o kaya tapsihan.)

Laundry Shop- yan mejo malaking puhunan mga tig isa bawat kalye lang dulo dulo.

Mamihan- pero di pa ko nakain dun sa mamihan umaga lan meron kaso nakatayo e. Malapit sa terminal ng jeep.

Hawkers- yan andami pag uwiaan mistulang palengke yun kalsada ...exciting.

Tanod- parang 3 every 100 sq mtr. sila.


---------

tinatamad na ko bow..
























Walang komento: