Lunes, Agosto 24, 2009

antok...



Isang araw sa opisina.

Isang araw lang, di na bago.

Ganun parin ang takbo ng mga bagay bagay.

Minsan may excitement.

Minsan tataaman ka ng katamaran.

Ang minsan na yun ay tumama sa kin ngayon.

Isabay mo pa ang dalaw ng insomnia kagabe dahil sa kape.

Humiga ako ng bandang ala-una ng madaling araw.

Ipinikit ang mata at pumosishon ng komportable.

Yung tipong ramdam mo ang pagdalaw ng antok.

Nag pasalamat sa araw.

Simula na ng aking pagmumuni.

Mga tanong, mga pantasha, mga kuro kuro.

Isa isa kong hinimay ang mga bagay bagay na pumasok sa aking isipan.

Baket kaya ganun? San kaya yun makikita?

Pano ko pupuntahan.

madami.. ganyan ang pangkaraniwang activity ko bago matulog.

Ireverse psychology ang sarili ko.

Mag solve ng mental math.

Kumanta ng espaƱol.

Bumuo ng tula.

Lyrics ng lumang kanta.

Isipin ang laman ng bag.

Ano pa kaya ang kulang?

Isa lang ang di ko ginagawa pag nagmumuni muni..

Ang magisip ng pagkaen.

Kundi magugutom lang ako..

Tamad nako tumayo..

Ndi rin ako tatayo para uminoom..

My body will extricate water from other sources..

Kaya pag gising ko tuyo na utak ko.

MIsan sa dinami dami ng iniisip ko at posishon kong matulog.

Maawa ako sa higaan ko.

Pati sha di makatulog.

Pesteng Kape..

Pesteng pagiisip.

Titignan ko ang orasan.

Dobol check lang kung abot pako sa 6 hours kong requirement.

nakow 4:30 na.. nde na.

Lusaw na naman ako kinabukasan.

Inisip kong di pumasok.

Mag diarrhea na naman for the nth time.

Migraine. Slight fever. Lahat na ata nagamit ko na.

Mahirap pag punctual ka..

Takot ako sa late.

Lalo na kung di ko fault.

Baket kaya di na naman ako makatulog?

Sakit ko na to bata pa lang..

Yung mag isip hangang maging tanga.

Minsan utak ko na lang ang nagshushutdown para wala ng kwento kwento pa.

Ndi rin ako pede makinig ng music bago matulog.

Lalo na pag gusto ko.

Sana dumating na ang antok.

Alam kong kelan ko na ng tulog.

Nanghihina na ang aking mga tuhod..

Mabigat na ang mga mata..

Nakapikit nako sa dilim..

Minsan kahit antukin ka.. mahirap pa din antukin..

mahirap din manatiling gising..

alasingko na!! isang oras na lang.. mababasa nako ng tubig.

waaaaaaaaaaaaaah...

nanjan na ang ifafake ko ang tulog ko baka sakaling magkatotoo.

Bubuka ang bibig poposihon mala acrobat at panantilihing naka pikit ang mata..

mistulang contrabidang nasaksak at natumba..

walang gumagana..

nakaaawa naman ako..

naawa ko sa sarili ko..

dahil alam ko ne merong patutungahan ang di pag tulog,,

sa kawalan.. sa aksidente sa daan..

sa pagmumultiply sa king katangahan..

sa pagsagot ng pabalang..

sa pagkatuwa sa kumikislap ng mga bagay..

sa paglaho ng manipis na pader na naghihiwalay sa imahinashon at realidad.,

madaming patutunguhan..

ndi lahat tama.

panis na naman ako kinabukasan...

antok nako..

meme na me..

Walang komento: