Huwebes, Marso 19, 2009



Bakit ba mahirap gumising sa umaga.
Puyat?
Minsan kase sobra sa pakikipag socialize kinagabihan kaya yan di ka makabangon sa umaga.
Minsan naman dahil nasarapan ka sa tulog at kahet maliwanag na ang araw ayaw mo paring bumangon sa kama.
5 minutes pa.
Pinaka ayoko pa pag may gumising sakin.
yun pinapahaba pa yun pangalan mo para marinig mo.
yun mark ginagawng maaaaaaark!!!!! minsan me kulot pa sa gitna.
Natural na nakabusangot ako sa umaga.
Hindi ako morning person..
minsan galit ako sa umaga.
Lalo na pag gutom.
naalala ko tuloy yung isa kong kaklase sa colehiyo sa nagmimistulang diwata ng umaga.
Blooming!
Full Blast ang ngiti at nagmimistulang modelo nang toothpaste.
May kasabay pang bating Good Morning Mark!
high pitched.

Kung di ko lang sha kaibigan baka na bigwasan ko na sha.
Pero mukhang ok naman yun ganun.
Napipilitan din ako ngumiti kahet na yung kaluluwa ko ay nakahiwalay pa sa katawan ko. Ayaw pa bumalik.Naglalamierda pa.
San kaya niya nakukuha ang lakas ngumiti.
baka me kalokohan lang shang napapanagnipan.
O kaya nanalo sha sa lotto sa panaginip.

Nun isang beses naman alas singko pa lang ata ng madaling araw nakaligo na sha.. aabangan daw yung sunrise. Nanaman!!! Parang last time na nakita yung sunrise wala naman pinagbago. Ganun pa din.. Maliwanag na bolang apoy na umaakyat.

Ewan ko ba bat gustong gusto nia ng umaga.
wala namang prize sa pinakamasayang gumising.

magkaibigan pa sana kami nito pag nabasa niya to!

Bright idea papabasa ko sa kanya to!

Para Masaya!



2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hahahahah!! shet ka! :) akala ko kung sino ito.. tapos parang..

"..wait lang.. parang kilala ko 'to... ako ata ito ah..."

hahahahahahahha!!!

leche ka mark!!!!!! :D hahahahaha!!! :D

ewan ko ba.. after a while.. ngayong nagwowork na.. mas nakaka-relate nako dun sa sentiments mo na mahirap gumising sa umaga...

hindi na ko morning person! :)

pero i still get up ng maaga kapag nasa bagong lugar para abangan ang sunrise.. eh bakit ba??? eh masaya eh!! hahahahahahah!!! kahit mukha akong weirdo!! :)

feeling ko tuloy mukha akong weirdo when you retell the story!! :)

Pinoy Nga Ba Ako? ayon kay ...

magiisip pa ko ng iba pang ganito ahahahhahah! ^_^