Miyerkules, Mayo 13, 2009

OpO Oho Oo





Isa sa mga pinaka kilalang katangian ng mga Pilipino ang pagiging magalang.

Sa katunayan ito pa nga ay naging bahagi na ng pananalita ng bawat Pilipino.

"opo" ang ibig sabihin ay yes with respect sa ingles.

ang iba siguro di makabasa at pinalitan ng h ang opo.. nagiging oho.. p to h syndrome?

ang oo naman ay pauso lang ng mga kapampangan.
sa kanilang allergy sa letrang "h"
tinangal nila ito.

o-o

Weird sila.

Ang opo-oho-oo naman minsan parang expression na lang sa mga Pilipino.

Kadalasang ginagamit sa mga nakakatanda para lang mapatahimik sila.

Inay: "anak kumain ka na ba?"

Anak: Oho- (habang naglalaro ng PSP at hindi alintana ang gutom)

madalas din itong nagiging sagot ng mga tambay sa kanto sa tuwing meron nagtatanong ng direkshon sa kanila.

Aleng nawawala: Koya san po yung papuntang Cubao? kanan o kaliwa?

Tambay: Oo

Kung ikaw ay nasa lugar nang aleng nawawala. mabuting tapusin ang usapan, magpasalamat at magmadaling maglakad palayo.

Baka sakaling di ka magripuhan.

Madalas na sagot ng mga Pinoy ang oo sa lahat ng bagay.

Bihira kasi tayong huminde.

Sa usapang pera lang tayo magalaing huminde.

Pede po bang pa lista na lang
"hinde"
Me extra ka pa jan pards, baka pede naman makautang
"hinde"
Akin na lang kalahati ng Fita mo
"hinde"

Pero sa halos lahat ng bagay napapa oo tayo.

Ang iba naman nasa limbo pa.

Di pa tanggap ang salitang Oo-oho-opo

lumulutang sila sa salitang "sige"

Kain ka na eto me pagkain pa

"sige salamat"

sabay tuloy sa paglakad

Tagay muna!

Sige.

tuloy sa pglakad.

Gusto mo ba ng isa pang kanin?
Sige.

Hindi pa rin lubos na alam kung saan nangaling ang salitang sige o kung eto ba ay paayon o pasalaungat sa mga tanong.

Kadalasan itong salita ng mga walang paninidigan sa buhay.

Kaya sa susunod na gagamitin ang salitang opo-oho-oo- o kaya cge.

Isiping mabuti ang gustong iparating at di lang oo ng oo sa lahat nang bagay..

Sige.

Walang komento: