Linggo, Nobyembre 29, 2009

Tagalog kanto 101




1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa
damit, at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing registration, sa
elevator o FX.


2. KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil
sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. maaari ding mamuo
kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang ****.


3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. subalit hindi talaga ito
naaalis,kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.

> Ex. "How nice naman your MULMUL! Nakakakiliti

4. BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng
mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin,lalo na kapag natuyo na ito. ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo
na lamang upang ito'y maalis.


5. ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero
ng yosi sa quiapo. ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. Available in blue, red, green, etc.

6. BAKOKANG - higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat
na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na
takip.

7. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief. nabubuo ang AGIHAP
kung ang panty o brief ay suotsuot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.

8. DUKIT - ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo
sa iyong puwit o sa puwit ng iba....try it to prove it thats DUKIT.

9. SPONGKLONG - ito'y isang bagong wika an nangangahulugan sa isang estupidong tao.

> Ex. "Buti naman at bumaba na sa puwesto ang spongklong nating Presidente."

10. LAPONGGA - ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan


11. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.

> Ex. "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila yung weneklek niya!"

12. BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.

13. BAKTI - bakat panty

14. ASOGUE - buhok sa kilikili

15. BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na
panahon

16. BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang
isang malaking ebak

17. BUTUYTUY - titi ng bata

18. JABARR - pawis ng katawan

19. KALAMANTUTAY - mabahong pangalan.

source: http://sarahkisha.multiply.com/journal/item/20/FUNNY_TAGALOG_WORDS.

erratum:

yung burnik daw buhok sa puwet
yung butoytoy dapat putotoy?
tas and jabarr pede single r

problem solved

Lunes, Agosto 24, 2009

antok...



Isang araw sa opisina.

Isang araw lang, di na bago.

Ganun parin ang takbo ng mga bagay bagay.

Minsan may excitement.

Minsan tataaman ka ng katamaran.

Ang minsan na yun ay tumama sa kin ngayon.

Isabay mo pa ang dalaw ng insomnia kagabe dahil sa kape.

Humiga ako ng bandang ala-una ng madaling araw.

Ipinikit ang mata at pumosishon ng komportable.

Yung tipong ramdam mo ang pagdalaw ng antok.

Nag pasalamat sa araw.

Simula na ng aking pagmumuni.

Mga tanong, mga pantasha, mga kuro kuro.

Isa isa kong hinimay ang mga bagay bagay na pumasok sa aking isipan.

Baket kaya ganun? San kaya yun makikita?

Pano ko pupuntahan.

madami.. ganyan ang pangkaraniwang activity ko bago matulog.

Ireverse psychology ang sarili ko.

Mag solve ng mental math.

Kumanta ng espaƱol.

Bumuo ng tula.

Lyrics ng lumang kanta.

Isipin ang laman ng bag.

Ano pa kaya ang kulang?

Isa lang ang di ko ginagawa pag nagmumuni muni..

Ang magisip ng pagkaen.

Kundi magugutom lang ako..

Tamad nako tumayo..

Ndi rin ako tatayo para uminoom..

My body will extricate water from other sources..

Kaya pag gising ko tuyo na utak ko.

MIsan sa dinami dami ng iniisip ko at posishon kong matulog.

Maawa ako sa higaan ko.

Pati sha di makatulog.

Pesteng Kape..

Pesteng pagiisip.

Titignan ko ang orasan.

Dobol check lang kung abot pako sa 6 hours kong requirement.

nakow 4:30 na.. nde na.

Lusaw na naman ako kinabukasan.

Inisip kong di pumasok.

Mag diarrhea na naman for the nth time.

Migraine. Slight fever. Lahat na ata nagamit ko na.

Mahirap pag punctual ka..

Takot ako sa late.

Lalo na kung di ko fault.

Baket kaya di na naman ako makatulog?

Sakit ko na to bata pa lang..

Yung mag isip hangang maging tanga.

Minsan utak ko na lang ang nagshushutdown para wala ng kwento kwento pa.

Ndi rin ako pede makinig ng music bago matulog.

Lalo na pag gusto ko.

Sana dumating na ang antok.

Alam kong kelan ko na ng tulog.

Nanghihina na ang aking mga tuhod..

Mabigat na ang mga mata..

Nakapikit nako sa dilim..

Minsan kahit antukin ka.. mahirap pa din antukin..

mahirap din manatiling gising..

alasingko na!! isang oras na lang.. mababasa nako ng tubig.

waaaaaaaaaaaaaah...

nanjan na ang ifafake ko ang tulog ko baka sakaling magkatotoo.

Bubuka ang bibig poposihon mala acrobat at panantilihing naka pikit ang mata..

mistulang contrabidang nasaksak at natumba..

walang gumagana..

nakaaawa naman ako..

naawa ko sa sarili ko..

dahil alam ko ne merong patutungahan ang di pag tulog,,

sa kawalan.. sa aksidente sa daan..

sa pagmumultiply sa king katangahan..

sa pagsagot ng pabalang..

sa pagkatuwa sa kumikislap ng mga bagay..

sa paglaho ng manipis na pader na naghihiwalay sa imahinashon at realidad.,

madaming patutunguhan..

ndi lahat tama.

panis na naman ako kinabukasan...

antok nako..

meme na me..

Miyerkules, Mayo 20, 2009

Matapang





Minsan sa bawat buhay ng tao nakakaranas sha ng panlalamang ng ibang tao.

Minsan kapansin pansin ang panlalamang, minsan naman ndi ramdam.

Eto nga pala ang blow by blow account nang minsan akong nakaranas ng tapang, dahil lang sa ayaw kong malamangan.

hapon na nun. Galing ako sa kung saan sakay ako nang fx na kumakarag pero malamig kaya ayus lang. Masarap ang upo ko sa gitnang bahagi nang sasakyan. Saktong siksik lang.
Napahimbing ang tulog ko at lumagpas ako sa dapat kong babaan.
Paggising ko mashadong nang malayo para lakarin pabalik, patawid na ng Edsa yun ep ek kea sabi ko sa sarili ko sa kabila na ko baba. Bawal pala.

Umabot na sa may Isettan at hindi parindaw pede bumaba. Napakalaking tatchi.

Pagbaba ko hindi pa pala nakabalik ang diwa ko kaya pipikit pikit pako naglalakad. humahananp ng tawiran pabalik samin.

Nang biglang merong malaking mamang kalbo na bumungo sa kin head on. habang sa likuran ko naman merong "nag check ng pockets" ko.
Bumagsak si diwa saking katawan. Nagising ako at parang nakuryente.

hoowwooow- not in amazement parang tanong.

Eto ang sabay sabay na nangyayri sa isip ko?

"anong nangyayari?"

"Shet, baka ninanakawan ako?"

"ambaho nan mama!!!"

"me kasamang manyak powtek"

"o ano ka walang laman ang bulsa ko no"

Ang iba jan in english.

bumils ang tibok nang puso ko.

Dumaloy nang marahas ang aking dugo.

Rinig ko ang lahat ng bagay..

nagpupumiglas ang superhero sa aking isip.

"powwweeeeer"

Tinulak ko ang mamang kalbong mabaho sa harap ko.

Sabay takbo pa lihis mula sa 3 pang taong nasa likod nang mama.

Ndi ko alam kung kasabwat sila. Pero sa isip ko kasama sila sa kampon ng masasama.

Tinawag ko ang bilis nang hangin..

ayus! nalagpasan ko sila wwhhheeeeww!!!

zoom zooom!

bigla kong napahinto..

mern pang 3 na humrang sakin.

Profile nila:
----
5'3 to 5 '6 in height

Moreno to Dark Complexion.

Mulit colored shirts. walang kwelyo at maluwag

meron nakashort- meron nakapants.

Wowie de Guzman hair style.

Normal na tao.

mga 16-25 yrs old ata.

Ndi abot nang memory ko yung footwear nila.

---

Mukhang kayang kaya ko to- (katapangan)
Basta mas malaki ako kaya ko to!

Nakipag patinetero ako nang saglit parang 3 seconds lang

humahanap ako nang opening para makalusot.

Asa akin ang bilis nang hangin.

Pero olats e. Parang kulob na hangin yun na tawag ko.

habang abala akong naghahanap ng butas para makatkbo di ko alintana ang paruparuong lumulipas sa kanan ko.

Pak tumama sa gilid na mata ko. Pocha kamao pala.

Walang sakit. Suntok babae.

Pero ngayon lang ako nasapak. Ngayon lang ako nakaramdam ng sapak. wahahahha di pala masakit.

"i must be strong"

Oh yes hindi ako nasaktan! Pero uminit ang dugo ko.

Hindi ko matanggap na masasapak ako. Eto pang tukmol na to ang naka una.

Hindi ako nakatikim nang suntok sa sarili kong kapatid ama o kahit sino man sa buhay ko.

Wala akong ginawang masama sa kanya. Hindi ko sha kilala.

Bakit nia ako sasaktan.

Inalala ko nang mabilis ang mga kung-fu/ action/ cartoons na palabas na nakita ko.

Sinara ko ang kamao ang simulang sumuntok.

Kanan lang ang gamit ko. Partida.

Hawak hawak ko nang mahigpit ang strap ng messenger bag ko para di manakaw at hndi sagabal habang nakikipag UFC ako sa mga kabataang adik.

Madalas mintis ang sapak ko. sa 3 suntok ko 1 lang ang naramdaman kong tumama. Solid.

Nasaktan ako e. Kea alam kong solid yun.

Nasaktan ang knuckles ko (isipan mo nang tagalog to "knuckles")

SCORE!

kala ko tagumpay nako! Kala ko makakuwi akong masaya! Natalo ko ang bad guys! weeeee!!

Hindi pala.

Napahinto ako ng mga salita.

sak squared..

Oo tinakot nako nang saksak. Wala kong nakitang panaksak.

Nagblubluff siguro yung mama. Kunwari me dinidukot sa bulsa.

E tumalab sakin e.

Ang tanging naalala ko ay ang nabitiwan kong salita.

No please no..

Duwaaaaaaaaagggggggggggg! Amp!

dahang dahang sumingaw ang katapangan ko sa katawan.

Gumapang ang bilis ng hangin sa lapag.

Sa sandaling napahinto ang buong mundo na yon.

Na tastas nila ng blade ang strap nang bag ko.

Both sides.. Kea bitbit nila ang bag ko.

At ako nakahawak pa din sa strap nang bag ko.

Tipong nagrarapel ako.

Habang sumusumpa.

ayun bye bye bag..

Kung sa sine nagtatakbuhang mabilis ang mga tao.

Sa pagkakataong ito. Naglakad lang sila sakin palayo. Parang asa park lang.
Walang nangyari..

ako nakatayo parn sa me kalsada.
Sinundan ko sila ng tingin. At kabado pa din. baka me pahabol.

At nagblend in na sila sa crowd na walang pakeelam sakin.

Meron lumapit sakin.

Aba isang anghel. mmm anghel nga na sa gabi ay mababa ang lipad.

Sinabi niya sakin kung saan ang presinto at nag-offer pa to na samahan ako.

napangiti ako at nagpasalamat.

Sa dami nang tao nagiisa lang shang nakatingin sakin.

Sabi ko. Thank you! I'm ok.

Napansin ko na hawak ko pa din ang strap ng bag ko.

hinagis ko to sa lapag. "dissappointment"

daming nawala sakin e.

--etotoloy--







Miyerkules, Mayo 13, 2009

OpO Oho Oo





Isa sa mga pinaka kilalang katangian ng mga Pilipino ang pagiging magalang.

Sa katunayan ito pa nga ay naging bahagi na ng pananalita ng bawat Pilipino.

"opo" ang ibig sabihin ay yes with respect sa ingles.

ang iba siguro di makabasa at pinalitan ng h ang opo.. nagiging oho.. p to h syndrome?

ang oo naman ay pauso lang ng mga kapampangan.
sa kanilang allergy sa letrang "h"
tinangal nila ito.

o-o

Weird sila.

Ang opo-oho-oo naman minsan parang expression na lang sa mga Pilipino.

Kadalasang ginagamit sa mga nakakatanda para lang mapatahimik sila.

Inay: "anak kumain ka na ba?"

Anak: Oho- (habang naglalaro ng PSP at hindi alintana ang gutom)

madalas din itong nagiging sagot ng mga tambay sa kanto sa tuwing meron nagtatanong ng direkshon sa kanila.

Aleng nawawala: Koya san po yung papuntang Cubao? kanan o kaliwa?

Tambay: Oo

Kung ikaw ay nasa lugar nang aleng nawawala. mabuting tapusin ang usapan, magpasalamat at magmadaling maglakad palayo.

Baka sakaling di ka magripuhan.

Madalas na sagot ng mga Pinoy ang oo sa lahat ng bagay.

Bihira kasi tayong huminde.

Sa usapang pera lang tayo magalaing huminde.

Pede po bang pa lista na lang
"hinde"
Me extra ka pa jan pards, baka pede naman makautang
"hinde"
Akin na lang kalahati ng Fita mo
"hinde"

Pero sa halos lahat ng bagay napapa oo tayo.

Ang iba naman nasa limbo pa.

Di pa tanggap ang salitang Oo-oho-opo

lumulutang sila sa salitang "sige"

Kain ka na eto me pagkain pa

"sige salamat"

sabay tuloy sa paglakad

Tagay muna!

Sige.

tuloy sa pglakad.

Gusto mo ba ng isa pang kanin?
Sige.

Hindi pa rin lubos na alam kung saan nangaling ang salitang sige o kung eto ba ay paayon o pasalaungat sa mga tanong.

Kadalasan itong salita ng mga walang paninidigan sa buhay.

Kaya sa susunod na gagamitin ang salitang opo-oho-oo- o kaya cge.

Isiping mabuti ang gustong iparating at di lang oo ng oo sa lahat nang bagay..

Sige.

Huwebes, Marso 19, 2009



Bakit ba mahirap gumising sa umaga.
Puyat?
Minsan kase sobra sa pakikipag socialize kinagabihan kaya yan di ka makabangon sa umaga.
Minsan naman dahil nasarapan ka sa tulog at kahet maliwanag na ang araw ayaw mo paring bumangon sa kama.
5 minutes pa.
Pinaka ayoko pa pag may gumising sakin.
yun pinapahaba pa yun pangalan mo para marinig mo.
yun mark ginagawng maaaaaaark!!!!! minsan me kulot pa sa gitna.
Natural na nakabusangot ako sa umaga.
Hindi ako morning person..
minsan galit ako sa umaga.
Lalo na pag gutom.
naalala ko tuloy yung isa kong kaklase sa colehiyo sa nagmimistulang diwata ng umaga.
Blooming!
Full Blast ang ngiti at nagmimistulang modelo nang toothpaste.
May kasabay pang bating Good Morning Mark!
high pitched.

Kung di ko lang sha kaibigan baka na bigwasan ko na sha.
Pero mukhang ok naman yun ganun.
Napipilitan din ako ngumiti kahet na yung kaluluwa ko ay nakahiwalay pa sa katawan ko. Ayaw pa bumalik.Naglalamierda pa.
San kaya niya nakukuha ang lakas ngumiti.
baka me kalokohan lang shang napapanagnipan.
O kaya nanalo sha sa lotto sa panaginip.

Nun isang beses naman alas singko pa lang ata ng madaling araw nakaligo na sha.. aabangan daw yung sunrise. Nanaman!!! Parang last time na nakita yung sunrise wala naman pinagbago. Ganun pa din.. Maliwanag na bolang apoy na umaakyat.

Ewan ko ba bat gustong gusto nia ng umaga.
wala namang prize sa pinakamasayang gumising.

magkaibigan pa sana kami nito pag nabasa niya to!

Bright idea papabasa ko sa kanya to!

Para Masaya!



Lunes, Marso 2, 2009

Limang Buwan



5 buwan na ang lumipas nang huli akong sumulat sa blog nato.
Busy.
Busy ako sa pagiisip kung anu nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko.
Busy ako sa pagtutuwid ng mga maling nangyari sa akin ng mga huling buwan.

(bumagsak kasi ako sa board exum.)
Naramadaman ko na bobo pa la ako kung minsan.
Ngayon lang naisulat sa papel ang ganung kaisipan.
Mahirap pala.
Parang walang direkshon sa buhay.
Tas madami kang matatangap na mga text.
Para ka ding namatayan.
Lahat tungkol sa mga plano ng Dios sa buhay mo.
Na isa laman pagsubok ang dinadaanan mo.
Kaya mong lagpasan.
Nde mo pa panahon..
Amp. andaming rason para lang masabi na huwag ang malungkot.
Tama naman sila.
Ayaw ko lang makinig.
Pang asar lang.

5 buwan yung lumipas.

Pumasa nako ngayon.
Natuwa naman ako.
Pati nga kamag anak na minsan ko lang makausap natuwa din.
Hurraay!
Di pa la ako bobo.
Minsan lang.
Dami palang nangyayari sa loob ng 5 buwan.
Andami kong kwento.
an daming maliit at malalking bagay na pedeng mangyari sayo sa loob lamang ng kaunting panahon.
An dami ko na ding napuntahan.
Minsan may kasama.
Minsan mag isa.
Dumami din ang mga katangahan na nagyari sakin at sa ibang tao.
An dami palang kwento na pedeng ibahagi ko sa ibang tao.
Madaming masasayang pagkakataon na pinalipas at lumipas.
Sana di nako tamarin sa buhay.

Masaya kasi minsan e.

Sana di rin tamarin ang buhay sakin.
Madami pa kong pedeng gaguhin e.

----------
Pinakamasarap na nangyari sakin ng 5 buwan na to.

Mamuhay ng magisa.
Successfull na ko dito.

Kung hangang kailan. Di ko alam.

Masaya.

Kain ka lng kung kelan mo gusto.
Gutom din ang abot mo pag tinamad kang kumilos.
Nagkabet nako ng door know.
Whatafeeling!

mga 3-4 hours ko ginawa pero sulit.

Nagbuhat din nga pala ko ng kuchon.
Ndi madaling gawin yon!

Tinulungan naman ako nung manong e.

Inaakyat ko yun ng magisa hanggang fourth floor!

Changina. Workout ko na yun for the year.

Saya.

Dati ko pang naisip na masubukan mamuhay ng magisa e.

Sabi mahirap daw.
Babalik din daw ako.
Pero ngayon.
Ok naman.


Ndi nga pumasok kagad sa isip ko na independent nako e.

Parang normal lang.
O kaya delayed lang ..as usual.
Namimiss ko lang yun bebe ko.
Bawal kasi mag alaga dito.

Binigyan naman ako ng panda e.
ok na yun.
----
Ngayon na natitikman ko na ng sarap ng mamuhay mag isa.
kwento ko naman yung mga bagay na sa Pilipinas mo lang makikita..
Tapsihan-- ol time favorite and only kainan.

Tapa sinangag itlog. madaming variety nian. longanisa tocino chicken daeng..

Burger Machine- ol time favorite merienda.

Sari Sari store. una dawla pangatlong bahay mern nun. Di mawawala yan.

Tambay- di mashado favorite pero nagkalat yan dito.

Water Station. ikalawa- ikaapat- ikaanim na bahay pede din maging water station ( minsan ka combo yan ng sari sari store o kaya tapsihan.)

Laundry Shop- yan mejo malaking puhunan mga tig isa bawat kalye lang dulo dulo.

Mamihan- pero di pa ko nakain dun sa mamihan umaga lan meron kaso nakatayo e. Malapit sa terminal ng jeep.

Hawkers- yan andami pag uwiaan mistulang palengke yun kalsada ...exciting.

Tanod- parang 3 every 100 sq mtr. sila.


---------

tinatamad na ko bow..
























Linggo, Oktubre 26, 2008

Failed Attempt 01




Twenty years from now you will be more disappointed by the things that you didn't do than by the ones you did do. So throw off the bowlines. Sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover.
- Mark Twain


Naks..


napulot ko yan sa isang web page na gawa ni Klaudia Koronel.. or so i think..

Parang me katwiran naman siya dito.
Pero ndi ata to ang katangian ng mga pinoy.
Meron mapang ahas ng mga taong kayang gawin to.
Ako paminsan lang siguro.
Mahirap na,takot ako sa lumangoy sa itim na dagat.
Naalala ko pa yung mga panahon na inis na inis ako sa erpats ko.
Napagalitan ako.
'Di ko lang maalala kung baket.
Mashadong madaming pagpipiliang pedeng maging dahilan.
May pagka suwail din ciguro ako nung kabataan ko.
Kaya ang aking paraan ng pagganti...

Binalak kong maglayas.

'di ko pa alam ang concepto ng pera, kung pano magbayad ng kuryente,maglaba- mag luto.

Ang alam ko lang nun ay kaya kong mabuhay ng mag isa.

Kaya kinuha ko ang lata ng sustagen na naglalaman ng pinakamahalagang bagaysa aking buhay.
Mga buidling blocks.

Itinaas ko ang pajama ko ng isang pulgada.(di uso sakin ang shorts nun.)
Binuksan ko ang pinto,bumaba ng 2 hakbang at nagmamadali akong maglakad palayo.
Nakita ko ang kalsada.
Shocking!

Di ko alam kung saan ako pupunta.
Pakaliwa ba o pakanan..
at dahil kanan ako- sa kanan na ko naglakad.
Madali pa nun kung panu malaman ang gusto mong gawen.
'di pa ko gano nakakalayo ay narinig ko na ang 'di ko inaasahang
mangyayari sa panahon na to na ready na kong mamuhay ng magisa.
Ang dagundong ng aking tyian.
Sabi ko sa sarili ko.
'wag kang padala sa angal ng tian mo!!.kaya mo to!!.
Naalala ko na walang tenga ang tian ko..
Lumiko ako sa kanan uli
Nagulat ako sa kahabaan ng kalsada.
Mabilis lng lakad ko.

Dobol check kung samsayad ang laylayan ng pj's ko sa lapag.Hindi naman.. tamang tama ang pag angat ko.
Wow i can smell "independence"!
lumiko ako uli nang wala na kong makitang pedeng daanan.
Nakita ko ang mga yaya ng ibang batang nakatitig sakin.

Siguro ingit lang sila sa maangas na batang naglalakad magisa.

Tuloy lang ang lakad ko..Ineenjoy ko din ang mga di pamiliar na bagay sa aking paningin.

An lupet ng world!

Daming pedeng makita.
'Di ko ramdam ang pagod-
'Di pa ko pawisin siguro ng panahon na yun.

Weeeeeehaw! Sweet freedom!


Ngunit eto na nanaman siya.
Mas malakas, mas matindi.
Ang dagundong ng aking tiyan.

!nako! gutom na ko! san ako kukuha ng pagkain?

Kung di kinain ni eba yung mansanas na yun..
Nagkalat siguro ang mga fruit bearing trees ..everywhere.
pero wala.

---santan sampaguita at kung anu anu pang halaman ang nakikita ko.

Walang pamiliar kainin!.
owkey.stay calm.bilisan mo na lang ang lakad mo.

Yan ang mga sinasabi ko sa sarili ko.
Nakalimutan kong geographically challenged ako.

Nilakad ko lang ang paikot na daan samen.

Nakita ko ang bahay ko.
Sigurado me pagkain dun.
Bukas pa rin ang pinto.
Di pa ako marunong magsara.
Pumasok ako at umupo sa sala.
Walang tao.
Naglalaba si yaya.si erpats tulog sa taas.
Parang 15 mins lang ata ako nawala.
Wala pang nakapansin.
Mahirap kase pagtatanga ka.
6 yrs old lang ako nito.
'Di pa rin alam ng erpats ko na naglayas nako dati.

Failed Attempt 01 ito sa libro ko.

Binuksan ko ang ref.
walasticK!

me cake!

lamon.

Di na masama ang loob ko.
Saka na ako maglalayas.
Madami pa siguro kelangan matutunan.
Lalayas din ako.


Pag di na ko shushunga shunga sa buhay.
(parang di na mangyayari yun a..)